Loading...

Mga Alituntunin at Kundisyon sa pagsign-up sa Net1 internet:

Sa pagsign-up ko dito sa Net1, naiintindihan ko na:

  • Kapag naubos na ang aking data, ako ay pansamantalang mawawalan ng connection.
  • Para makagamit ulit ng internet, kailangan ko munang bumili ng dagdag na data. Makakabili ako ng data sa mga sumusunod:
    • Net1 website
    • Net1 Facebook or Twitter pages (@Net1PH)
    • Customer Care Hotline
  • Kapag kumuha ako ng plan, mapuputol ang aking internet connection kapag hindi ako nakapagbayad sa takdang petsa o "Due Date."
  • Para sa pang-personal na gamit lang ang internet na ito. Hindi ito pwedeng gamitin pang-pisonet o computer shop.
  • Tatlo (3) hanggang limang (5) device lamang ang sabay-sabay na pwedeng mag-connect dito sa internet. Naiintindihan ko na pag higit sa tatlong device ang sabay-sabay na naka-connect, maaring bumagal na ang internet connection.
  • Kung ako ay nagpa-install ng Net1 router, hindi ko maaring tanggalin ang router o Customer Premise Equipment (CPE) kung saan ito ikinabit ng Net1 technician. Ito ay maliban na lang kung pinangangasiwaan ang pagtanggal nito ng isang Net1 Customer Care Representative o ako mismo ang nag-install nito.
  • Ang aking paunang bayad ay para sa Net1 Starter Kit, kasama ang installation at libreng 20GB.
  • Applicable sa aking subscription ang Net1 Fair Use Policy.